Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 21:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At narinig nila ang usap-usapan tungkol sa iyo na tinuturuan mong tumalikod sa Kautusan ni* Moises ang lahat ng Judio na nasa ibang mga bansa. Sinasabi mo raw sa mga ito na huwag tuliin ang mga anak nila at huwag nang sundin ang mga kaugalian.+

  • Gawa 21:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Ngunit narinig nilang pinag-uusap-usapan tungkol sa iyo na tinuturuan mo ang lahat ng mga Judio sa gitna ng mga bansa ng isang apostasya laban kay Moises,+ na sinasabi sa kanila na huwag tuliin+ ang kanilang mga anak ni lumakad man sa kapita-pitagang mga kaugalian.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 21:21

      Lubusang Magpatotoo, p. 182, 183-185

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 158

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      9/2016, p. 15

      Ang Bantayan,

      3/15/2003, p. 24

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 21:21

      tumalikod: O “mag-apostata.” Ang pangngalang Griego na a·po·sta·siʹa na ginamit dito ay galing sa pandiwang a·phiʹste·mi, na literal na nangangahulugang “lumayo,” at puwede itong isaling “humiwalay; tumalikod,” depende sa konteksto. (Gaw 19:9; 2Ti 2:19) Ang pangngalan ay puwedeng mangahulugan na “paghiwalay; pag-iwan; pagrerebelde.” Dalawang beses itong lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito at sa 2Te 2:3. Sa klasikal na Griego, ginagamit ang pangngalang ito sa politikal na diwa, at lumilitaw na ganiyan ang pagkakagamit sa anyong pandiwa nito sa Gaw 5:37 may kaugnayan kay Hudas na taga-Galilea, na “nakahikayat [isang anyo ng a·phiʹste·mi] . . . ng mga tagasunod.” Ganiyan din ang pagkakagamit ng Septuagint sa pandiwang ito sa Gen 14:4, at ginamit nito ang pangngalang a·po·sta·siʹa sa Jos 22:22; 2Cr 29:19; at Jer 2:19 bilang panumbas sa mga ekspresyong Hebreo para sa “pagrerebelde” at “pagtataksil.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pangngalang a·po·sta·siʹa ay pangunahing ginagamit para sa pagtalikod sa relihiyon, sa pag-iwan sa tunay na pagsamba at paghinto sa paglilingkod sa Diyos, sa pagtatakwil sa dating pinaniniwalaan ng isa, o sa lubusang pagtalikod sa mga prinsipyo o pananampalataya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share