-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang saksi mong: Ang terminong Griego para sa “saksi,” marʹtys, ay tumutukoy sa isa na nakakita sa isang pagkilos o pangyayari. May ilang unang-siglong Kristiyano na nagpatotoo, o nagpatunay, sa mga detalyeng iniulat tungkol sa buhay, kamatayan, at pagkabuhay-muli ni Jesus dahil personal nila itong nasaksihan. (Gaw 1:21, 22; 10:40, 41) Ang mga sumunod naman na nanampalataya kay Jesus ay naging saksi, o nagpatotoo, sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba ng tungkol sa kahalagahan ng buhay niya, kamatayan, at pagkabuhay-muli. (Gaw 22:15) Iyan ang ibig sabihin ni Pablo nang tawagin niya si Esteban na “saksi” noong kausap niya si Jesus. Nagbigay si Esteban ng mapuwersang patotoo tungkol kay Jesus sa harap ng Sanedrin. Si Esteban ang unang nagpatotoo na nakita niya sa isang espesyal na pangitain na nasa langit si Jesus at nakatayo sa kanan ng Diyos, gaya ng inihula sa Aw 110:1. (Gaw 7:55, 56) Dahil sa pangangaral ng mga Kristiyano, madalas silang makaranas ng oposisyon, pag-aresto, pambubugbog, at kamatayan pa nga, gaya ng nangyari kina Esteban, Santiago, at iba pa. Nang maglaon, ang terminong Griego na marʹtys ay tumutukoy na sa “isa na nagpapatotoo kahit mamatay siya; isang martir,” ibig sabihin, mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa itakwil ang pananampalataya niya. Kaya si Esteban ang unang Kristiyanong martir, na ipinapatay dahil sa pagpapatotoo niya tungkol kay Kristo.—Tingnan ang study note sa Gaw 1:8.
-