-
Gawa 22:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 iniutos ng kumandante ng militar na dalhin si Pablo sa kuwartel ng mga sundalo at sinabing dapat siyang pagtatanungin habang hinahagupit para malaman ang totoong dahilan kung bakit iyon isinisigaw ng mga tao laban kay Pablo.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kumandante ng militar: Ang salitang Griego na khi·liʹar·khos (chiliarch) ay literal na nangangahulugang “tagapamahala ng isang libo,” o 1,000 sundalo. Tumutukoy ito sa isang Romanong kumandante ng militar na tinatawag na tribuno. (Tingnan ang study note sa Ju 18:12.) Noong mga 56 C.E., si Claudio Lisias ang kumandante ng militar sa garison ng Jerusalem. (Gaw 23:22, 26) Gaya ng mababasa sa Gawa kabanata 21-24, siya ang nagligtas kay Pablo mula sa mga mang-uumog at sa nagkakagulong Sanedrin. Siya rin ang sumulat kay Gobernador Felix noong palihim niyang ipadala si Pablo sa Cesarea.
-