-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
opisyal ng hukbo: O “senturyon,” kumandante ng mga 100 sundalo sa hukbong Romano.
isang Romano: Ibig sabihin, isang mamamayang Romano. Ito ang ikalawa sa tatlong nakaulat na pagkakataon na ginamit ni Pablo ang karapatan niya bilang mamamayang Romano. Kadalasan nang hindi gaanong nakikialam ang Romanong mga awtoridad sa mga Judio. Pero nakialam ang mga Romano sa kaso ni Pablo, hindi lang dahil nagkaroon ng malaking gulo nang magpunta siya sa templo, kundi dahil isa rin siyang mamamayang Romano. Ang pagkamamamayang Romano ay nagbibigay sa isang tao ng ilang pribilehiyo saanman siya magpunta sa imperyo. Halimbawa, hindi puwedeng igapos o bugbugin ang isang Romanong hindi pa nahahatulan, dahil sa mga alipin lang ito ginagawa.—Para sa dalawang iba pang pagkakataon, tingnan ang study note sa Gaw 16:37; 25:11.
-