-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Nagbayad ako . . . para magkaroon ng mga karapatang ito bilang mamamayan: O “Nagbayad ako . . . para sa pagkamamamayang ito.” Gaya ng ipinapakita ng ulat na ito, posibleng bilhin ang pagkamamamayang Romano sa ilang kaso. Pero sinabi ni Pablo kay Claudio Lisias na ipinanganak siyang Romano, na nagpapakitang nakakuha ng pagkamamamayang Romano ang isa sa mga lalaking ninuno ni Pablo. May iba pang paraan para maging mamamayang Romano. Puwedeng ibigay ng emperador ang isang klase ng pagkamamamayang ito sa isang indibidwal o sa lahat ng malayang tao sa isang lunsod o distrito. Puwedeng magkaroon nito ang isang alipin matapos niyang bilhin ang kalayaan niya o matapos siyang palayain ng isang mamamayang Romano. Puwede ring mabigyan nito ang isang di-Romano at retiradong miyembro ng hukbong Romano. At puwede ring mamana ang pagkamamamayang ito. Malamang na kaunti lang ang mamamayang Romano na nakatira sa Judea noong unang siglo C.E. Noong ikatlong siglo C.E. lang binigyan ng pagkamamamayang Romano ang lahat ng nasa mga lalawigang sakop ng Roma.
-