-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
malinis ang konsensiya ko: O “namuhay ako nang may malinis na konsensiya.” Ang anyo ng pandiwang Griego na po·li·teuʹo·mai na ginamit dito para sa “namuhay” ay puwede ring isaling “kumilos bilang isang mamamayan.” (Kingdom Interlinear) Ipinapakita dito ni Pablo na naging mabuting mamamayan siya na sumusunod sa mga batas ng kaniyang bansa. Karaniwan nang aktibong nakikipagtulungan sa Estado ang mga mamamayang Romano dahil napakahalaga sa kanila ng kanilang pagkamamamayan at alam nilang ang mga pribilehiyo nila ay may kasamang mga pananagutan. (Gaw 22:25-30) Dito, nang ilarawan ni Pablo kung paano siya namuhay sa harap ng Diyos, posibleng idinidiin niya na isa siyang mamamayan ng Kaharian ng Diyos.—Fil 3:20; ihambing ang paggamit ng pandiwang Griego na ito sa Fil 1:27; tlb.
-