-
Gawa 23:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 “Mula kay Claudio Lisias, para sa kaniyang Kamahalan, Gobernador Felix: Mga pagbati!
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Mula kay Claudio Lisias, para sa kaniyang Kamahalan, Gobernador Felix: Mga pagbati!: Karaniwan ang ganitong introduksiyon sa mga liham noon. Una, babanggitin ang pangalan ng taong sumulat; pagkatapos, ang taong sinusulatan; at ikatlo, ang karaniwang pagbati gamit ang salitang Griego na khaiʹro, na ang literal na ibig sabihin ay “magsaya.” Ang pagbating ito ay nangangahulugang “sana ay nasa mabuting kalagayan kayo.” Karaniwan itong mababasa sa sekular na mga liham na nakasulat sa papiro. Sa kontekstong ito, ang salitang Griego ay angkop na isaling “Mga pagbati!” Ganiyan din ang introduksiyon sa isang liham na mababasa sa Gaw 15:23 at San 1:1.—Tingnan ang study note sa Gaw 15:23.
-