-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Drusila: Ang ikatlo at bunsong anak na babae ni Herodes Agripa I, ang Herodes na binabanggit sa Gaw 12:1. Isinilang si Drusila noong mga 38 C.E., at kapatid siya nina Agripa II, Bernice, at Mariamne III. (Tingnan ang study note sa Gaw 25:13 at Glosari, “Herodes.”) Si Gobernador Felix ang pangalawa niyang asawa. Una siyang ikinasal sa hari ng Sirya na si Azizus mula sa Emesa. Pero nakipagdiborsiyo siya rito at nagpakasal kay Felix noong mga 54 C.E., o noong mga 16 anyos siya. Posibleng naroon siya nang sabihin ni Pablo kay Felix ang “tungkol . . . sa tamang paggawi, pagpipigil sa sarili, at darating na paghatol.” (Gaw 24:25) Nang ibigay ni Felix ang pagkagobernador kay Festo, iniwan niya sa bilangguan si Pablo para makuha “ang pabor ng mga Judio,” at iniisip ng ilan na ginawa niya iyon para matuwa ang bata niyang asawa, na isang Judio.—Gaw 24:27.
-