-
Gawa 25:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Kung, sa isang dako, ako ay talagang isang manggagawa ng kamalian+ at nakagawa ng anumang bagay na karapat-dapat sa kamatayan,+ hindi ako tumatangging mamatay; sa kabilang dako naman, kung walang katotohanan ang mga bagay na iyon na iniaakusa sa akin ng mga taong ito, walang sinumang tao ang makapagbibigay sa akin sa kanila bilang pabor. Umaapela ako kay Cesar!”+
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Umaapela ako kay Cesar!: Sa ulat ng Bibliya, ito ang ikatlong pagkakataong ginamit ni Pablo ang karapatan niya bilang mamamayang Romano. (Para sa dalawang iba pang pagkakataon, tingnan ang study note sa Gaw 16:37; 22:25.) Puwedeng umapela kay Cesar pagkatapos ibaba ang hatol o habang ginaganap ang paglilitis. Makikita kay Festo na ayaw niyang magdesisyon sa isyung ito, at siguradong hindi magiging makatarungan ang paglilitis sa Jerusalem. Kaya umapela si Pablo na litisin siya sa pinakamataas na hukuman ng imperyo. Lumilitaw na hindi laging napagbibigyan ang mga umaapela, gaya ng mga magnanakaw, pirata, o nagkasala ng sedisyon na nahuli sa akto. Malamang na ito ang dahilan kaya sumangguni si Festo sa “kapulungan ng mga tagapayo” bago siya pumayag sa apela. (Gaw 25:12) Dininig din ng dumadalaw na si Herodes Agripa II ang kaso ni Pablo para maging mas malinaw ang impormasyong ibibigay ni Festo kapag ipinasa na niya ang kaso ni Pablo “sa Augusto,” o kay Nero. (Gaw 25:12-27; 26:32; 28:19) Gayundin, noon pa gustong pumunta ni Pablo sa Roma, kaya nakatulong ang apelang ito para makarating siya roon. (Gaw 19:21) Makikita sa pangako ni Jesus kay Pablo at sa sinabi ng anghel sa kaniya na makakarating siya sa Roma dahil iyan ang kalooban ng Diyos.—Gaw 23:11; 27:23, 24.
-