Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gawa 26:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 ito rin ang pangakong inaasam na matupad ng ating 12 tribo kaya sila puspusan sa paglilingkod sa kaniya* araw at gabi. Dahil sa pangakong ito, inaakusahan ako ng mga Judio,+ O hari.

  • Gawa 26:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 samantalang ang aming labindalawang tribo ay umaasang matamo ang katuparan ng pangakong ito sa pamamagitan ng masidhing pag-uukol sa kaniya ng sagradong paglilingkod gabi at araw.+ Tungkol sa pag-asang ito ay inaakusahan+ ako ng mga Judio, O hari.

  • Gawa
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 26:7

      Lubusang Magpatotoo, p. 199

  • Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26:7

      paglilingkod sa kaniya: O “pag-uukol sa kaniya ng sagradong paglilingkod.” Ang pandiwang Griego na la·treuʹo ay pangunahin nang tumutukoy sa paglilingkod. Sa Bibliya, karaniwan nang tumutukoy ito sa paglilingkod sa Diyos o sa paglilingkod na may kaugnayan sa pagsamba sa kaniya (Mat 4:10; Luc 2:37; 4:8; Gaw 7:7; Ro 1:9; Fil 3:3; 2Ti 1:3; Heb 9:14; 12:28; Apo 7:15; 22:3), gaya ng paglilingkod sa templo (Heb 8:5; 9:9; 10:2; 13:10). Kaya sa ilang konteksto, puwede ring isalin ang ekspresyong ito na “sumamba.” Sa ilang pagkakataon naman, iniugnay ito sa huwad na pagsamba—paglilingkod, o pagsamba, sa mga nilalang. (Gaw 7:42; Ro 1:25) Sa ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J14-17 sa Ap. C4), ang mababasa ay “paglilingkod (pagsamba) kay Jehova.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share