-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
wikang Hebreo: Tingnan ang study note sa Ju 5:2.
sinisipa mo ang mga tungkod na panggabay: Ang tungkod na panggabay ay may matulis na dulo at ginagamit para pakilusin ang isang hayop. (Huk 3:31) Ang ekspresyong “sipain ang tungkod na panggabay” ay isang kasabihan sa mga literaturang Griego. Inilalarawan nito ang ginagawa ng torong matigas ang ulo, na ayaw sumunod sa pag-akay ng tungkod kundi sumisipa rito kaya nasasaktan lang siya. Parang ganoon si Saul bago naging Kristiyano. Dahil inuusig niya ang mga tagasunod ni Jesus, na sinusuportahan ng Diyos na Jehova, inilalagay ni Pablo sa panganib ang sarili niya. (Ihambing ang Gaw 5:38, 39; 1Ti 1:13, 14.) Sa Ec 12:11, binanggit ang “tungkod na panggabay sa baka” sa makasagisag na diwa. Tumutukoy ito sa pananalita ng taong marunong na nag-uudyok sa tagapakinig na sundin ang payo niya.
-