-
Gawa 27:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 Pagkatapos, mabilis kaming naglayag malapit sa isang maliit na isla na tinatawag na Cauda, pero nahirapan kaming isalba ang maliit na bangka na hatak-hatak ng barko.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
maliit na bangka: Ang salitang Griego na skaʹphe ay tumutukoy sa isang maliit na bangkang hila-hila ng barko o sakay ng isang malaking barko. Ginagamit ito para makarating sa dalampasigan ang isang tao kapag nakaangkla na ang barko malapit sa baybayin, para magbaba ng mga kargamento, o para hilahin ang barko at iliko ito. Puwede rin itong gamiting pansagip ng buhay. Para hindi ito lumubog o mawasak kapag may bagyo, isinasakay ito sa barko.
-