-
Gawa 28:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Pagkalipas ng tatlong buwan, sumakay kami sa barko na may nakalagay na simbolo ng “Mga Anak ni Zeus.” Ang barko ay mula sa Alejandria at nagpalipas ng taglamig sa isla.
-
-
Mga Study Note sa Gawa—Kabanata 28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Mga Anak ni Zeus: Ayon sa mitolohiyang Griego at Romano, ang “Mga Anak ni Zeus” (sa Griego, Di·oʹskou·roi) ay sina Castor at Pollux, kambal na mga anak ng diyos na si Zeus (Jupiter) at ni Reyna Leda ng Sparta. Ipinapalagay na sila ang tagapagsanggalang ng mga marinero at nagliligtas sa mga mandaragat na nanganganib sa laot. Ang detalyeng ito tungkol sa simbolong nasa unahan ng barko ay isa pang patunay na ang sumulat nito ay nakasaksi sa pangyayaring ito.
-