-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
buong puso: Sa kontekstong ito, ang salitang Griego na isinaling “puso” (pneuʹma) ay lumilitaw na tumutukoy sa puwersang nagmumula sa puso ng isang tao at nagpapakilos sa kaniya na sabihin o gawin ang isang bagay. (Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”) Dito, ginamit ni Pablo ang ekspresyong ito para ipakitang ibinibigay niya ang buong makakaya niya sa paglilingkod.
pinag-uukulan ng sagradong paglilingkod: O “pinaglilingkuran (sinasamba).” Ang pandiwang Griego na la·treuʹo ay pangunahin nang tumutukoy sa paglilingkod. Gaya ng pagkakagamit sa Kasulatan, tumutukoy ito sa paglilingkod sa Diyos o sa anumang gawain na may kaugnayan sa pagsamba sa Diyos. (Mat 4:10; Luc 2:37; 4:8; Gaw 7:7; Fil 3:3; 2Ti 1:3; Heb 9:14; 12:28; Apo 7:15; 22:3) Dito, iniugnay ni Pablo ang sagradong paglilingkod niya sa mabuting balita tungkol sa . . . Anak ng Diyos. Kaya ang pangangaral ng mga alagad ni Jesus ng mabuting balitang ito ay isang sagradong paglilingkod, o pagsamba sa Diyos na Jehova.
-