-
Roma 1:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Pero gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na maraming beses kong binalak na pumunta sa inyo para makapangaral at makakita rin ng magagandang resulta gaya sa ibang mga bansa. Pero laging may pumipigil sa akin.
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
makakita rin ng magagandang resulta: Ginamit dito ni Pablo para sa salitang “resulta” ang pang-agrikulturang terminong Griego na kar·posʹ, “bunga,” na madalas lumitaw sa Kasulatan. Sa makasagisag na paraan, tumutukoy ito sa espirituwal na pagsulong at kasaganaan. (Mat 3:8; 13:8; Ju 15:8, 16; Fil 1:11, 22) Posibleng gusto ni Pablo na mapasulong pa ng mga kapananampalataya niya ang “mga katangian na bunga ng espiritu,” pero lumilitaw na hindi lang iyan ang nasa isip niya. (Gal 5:22, 23; Ro 1:11, 12) Ipinapakita ng pananalitang gaya sa ibang mga bansa na gusto rin ni Pablo na dumami pa ang mga tagasunod ni Jesu-Kristo sa Roma at posibleng sa iba pang lugar.—Ro 15:23, 24.
-