-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
di-makadiyos: O “walang galang sa Diyos.” Ginagamit sa Kasulatan ang salitang Griego na a·seʹbei·a at mga kaugnay na termino nito para tumukoy sa kawalan ng paggalang sa Diyos at pagsuway pa nga sa kaniya. (Jud 14, 15) Kabaligtaran ito ng terminong eu·seʹbei·a, na isinasaling “makadiyos na debosyon; pagkamakadiyos.” Makikita ito sa paglilingkod, debosyon, at pagsamba ng isang tao sa Diyos.—Gaw 3:12; 1Ti 2:2; 4:7, 8; 2Ti 3:5, 12.
-