-
Roma 1:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Kaya dahil gusto nilang sundin ang puso nila, pinabayaan na sila ng Diyos na gumawa ng karumihan at sa gayon ay mawalang-dangal ang katawan nila.
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pinabayaan na sila ng Diyos na gumawa ng karumihan: Posibleng ang tinutukoy ni Pablo ay ang mga apostatang Israelita, na daan-daang taóng namuhay nang salungat sa katotohanang natutuhan nila tungkol sa Diyos at sa kaniyang matuwid na mga utos. “Pinili nila ang kasinungalingan sa halip na ang katotohanan tungkol sa Diyos.” (Ro 1:16, 21, 25, 28, 32) Binabalaan ng Diyos ang mga Israelita laban sa idolatriya at seksuwal na imoralidad (Lev 18:5-23; 19:29; Deu 4:15-19; 5:8, 9; 31:16-18), pero paulit-ulit silang sumamba sa mga paganong diyos-diyusan na kamukha ng mga hayop o tao (Bil 25:1-3; 1Ha 11:5, 33; 12:26-28; 2Ha 10:28, 29; ihambing ang Apo 2:14). Kaya iniwan na sila ng Diyos at ‘pinabayaang gumawa ng karumihan.’ Makikita rin sa sinabi ni Pablo na dapat na naintindihan kahit ng mga tao ng ibang mga bansa na ang pagsamba sa mga hayop at mga tao ay hindi katanggap-tanggap at hinahatulan ng Diyos.—Ro 1:22.
-