-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kasinungalingan: Tumutukoy sa idolatriya. Ang mga idolo ay huwad, o isang kasinungalingan. (Jer 10:14) Pinapatunayan ng mga nilalang na talagang may Diyos, pero may ilang ‘nakakakilala sa Diyos’ na nagtago ng katotohanan tungkol sa kaniya. (Ro 1:18, 21, 25) Kahit alam nila ang katotohanan tungkol sa kaniyang pagka-Diyos at walang-hanggang kapangyarihan, hindi nila siya pinaglingkuran; sa halip, gumawa sila ng mga idolo at sinamba ang mga ito. Dahil sa idolatriya, nahulog sila sa lahat ng uri ng maruruming gawain.—Ro 1:18-31.
Amen: O “Mangyari nawa.” Ang salitang Griego na a·menʹ ay transliterasyon ng terminong Hebreo mula sa salitang-ugat na ’a·manʹ, na nangangahulugang “maging tapat; maging mapagkakatiwalaan.” (Tingnan sa Glosari.) Ang “Amen” ay sinasabi bilang pagsang-ayon sa isang panata, panalangin, o isang bagay na sinabi. Madalas itong gamitin ng mga manunulat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan para ipahayag ang pagsang-ayon nila sa isang bagay nang may kasamang papuri sa Diyos, gaya ng ginawa dito ni Pablo. (Ro 16:27; Efe 3:21; 1Pe 4:11) Minsan, ginagamit din ito para idiin ang kagustuhan ng manunulat na pagpalain ng Diyos ang makakatanggap ng liham. (Ro 15:33; Heb 13:20, 21) Ginagamit din ito para ipakita na talagang sang-ayon ang manunulat sa isang bagay na kasasabi lang.—Apo 1:7; 22:20.
-