-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kahiya-hiyang seksuwal na pagnanasa: Ang salitang Griego na paʹthos ay tumutukoy sa matindi, o di-makontrol, na pagnanasa. Maliwanag sa konteksto na tumutukoy ito sa seksuwal na pagnanasa. Dito, ang ganitong pagnanasa ay tinawag na ‘kahiya-hiya’ (sa Griego, a·ti·miʹa, “kahihiyan”), dahil nagdudulot ito ng kahihiyan sa isang tao.
likas na pagkakadisenyo sa kanila: Likas na pagtatalik. Ang salitang Griego na isinaling “likas” (phy·si·kosʹ) ay tumutukoy sa itinakda o natural na gamit ng isang bagay. Para suportahan ang pangangatuwiran ni Pablo sa Ro 1:26, 27, posibleng ginamit niya ang mga pananalitang kahawig ng ulat ng paglalang sa Gen 1:27. Sa halip na gamitin ang karaniwang terminong Griego para sa “lalaki” at “babae,” ginamit niya ang mas espesipikong mga salita para sa mga ito. Ang mga salita ring ito ang ginamit sa salin ng Septuagint sa Gen 1:27 at sa mga pagsipi ng Mat 19:4 at Mar 10:6 sa tekstong ito. Sinabi sa Genesis na pinagpala ng Diyos ang unang mag-asawa at inutusan silang magpakarami at “punuin . . . ang lupa.” (Gen 1:28) Ang mga homoseksuwal na gawain ay salungat sa likas na pagkakadisenyo dahil hindi ito bahagi ng orihinal na kaayusan ng Maylalang para sa mga tao at hindi posibleng magkaanak ang mga gumagawa nito. Ikinumpara ng Bibliya ang mga homoseksuwal na gawain sa pakikipagtalik ng rebelyosong mga anghel, o mga demonyo, sa mga babae bago ang Baha noong panahon ni Noe. (Gen 6:4; 19:4, 5; Jud 6, 7) Ang ganitong mga gawain ay hindi likas sa paningin ng Diyos.—Tingnan ang study note sa Ro 1:27.
-