-
Roma 1:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
27 at gayundin maging ang mga lalaki ay nag-iwan ng likas na paggamit sa babae+ at nagningas nang matindi sa kanilang masamang pita sa isa’t isa, mga lalaki sa mga kapuwa lalaki,+ na ginagawa ang malaswa+ at tinatanggap sa kanilang sarili ang lubos na kabayaran,+ na siyang nararapat sa kanilang kamalian.+
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ayaw na ng mga lalaki na makipagtalik: O “iniwan ng mga lalaki ang likas na paggamit.” Ang salitang Griego na isinaling “likas” (phy·si·kosʹ) ay tumutukoy sa itinakda o natural na gamit ng isang bagay. Ipinapakita sa talatang ito at sa naunang talata na hindi kaayon ng kalooban ng Diyos para sa mga tao ang seksuwal na gawain sa pagitan ng dalawang babae o dalawang lalaki. (Gen 1:27; tingnan ang study note sa Ro 1:26.) Sa Lev 18:22 ng Hebreong Kasulatan, maliwanag ang pananaw ng Diyos sa mga homoseksuwal na gawain. Ang pagbabawal na ito ay isa sa maraming batas sa moral na ibinigay sa bansang Israel. Sa kabaligtaran, talamak sa mga bansang nakapalibot sa Israel ang homoseksuwalidad, insesto, pakikipagtalik sa hayop, at iba pang gawaing ipinagbabawal ng Kautusang Mosaiko. (Lev 18:23-25) Dahil inulit ng Diyos sa Kristiyanong Griegong Kasulatan na ipinagbabawal niya ang mga homoseksuwal na gawain, ipinapakita nito na hinahatulan niya talaga ito, Judio man o hindi ang gumagawa nito.—1Co 6:9, 10.
kalaswaan: Ang salitang Griego na ginamit dito ay puwede ring isaling “kahiya-hiyang mga bagay.”
pinagbabayaran nila ang kasalanan nila: O “tinatanggap nila ang lubos na kabayaran dahil sa pagkakasala nila.” Ang salitang Griego para sa “pinagbabayaran” ay nangangahulugan ng pagtanggap ng isang tao sa isang bagay na nararapat sa kaniya. Dito, tumutukoy ito sa nararapat na kaparusahan o negatibong resulta ng paggawa ng isang bagay. Sa 2Co 6:13, tumutukoy ito sa angkop na pagkilos.
-