-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sa ilalim ng kautusan . . . batay sa kautusan: Sa liham ni Pablo sa mga taga-Roma, ang mga ito ang unang dalawang paglitaw ng salitang Griego para sa “kautusan” (noʹmos). Ang ekspresyong walang kautusan sa talatang ito ay salin para sa salitang Griego na a·noʹmos. Sa kontekstong ito, ang terminong “kautusan” ay tumutukoy sa Kautusang Mosaiko, gaya ng madalas na pagkakagamit dito sa aklat ng Roma. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang terminong “kautusan” ay puwedeng tumukoy sa (1) isang partikular na utos, (2) Kautusan ng Diyos na ibinigay sa pamamagitan ni Moises, (3) buong Hebreong Kasulatan o mga bahagi nito, o (4) isang utos na nagsisilbing prinsipyo.—Tingnan ang study note sa Mat 5:17; Ju 10:34; Ro 8:2.
-