-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
konsensiya: O “budhi.” Ang salitang Griego na sy·neiʹde·sis ay mula sa mga salitang syn (kasama) at eiʹde·sis (kaalaman). Kaya ang terminong Griego ay literal na nangangahulugang “kasamang kaalaman” o “kaalaman sa sarili.” Ipinapaliwanag dito ni Pablo na kahit ang mga tao na walang alam sa kautusan ng Diyos ay may konsensiya, o kakayahang suriin ang sarili at masabi kung tama o mali ang ginagawa niya. Pero gagana lang nang tama ang konsensiya kung sinanay ito sa Salita ng Diyos at nakaayon sa kalooban Niya. Ipinapakita ng Kasulatan na hindi lahat ng konsensiya ay gumagana nang tama. Ang isang tao ay puwedeng magkaroon ng konsensiya na mahina (1Co 8:12), manhid (1Ti 4:2), o nadumhan (Tit 1:15). Ganito ang sinabi ni Pablo tungkol sa sarili niyang konsensiya: “Sa pamamagitan ng banal na espiritu, nagpapatotoo ang konsensiya ko.” (Ro 9:1) Laging sinisikap ni Pablo na “magkaroon ng malinis na konsensiya sa harap ng Diyos at mga tao.”—Gaw 24:16.
-