Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 2:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 May pakinabang lang ang pagtutuli+ kung sumusunod ka sa kautusan;+ pero kung nilalabag mo ang kautusan, nawawalan ng silbi ang pagtutuli sa iyo.

  • Roma 2:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ang pagtutuli,+ sa katunayan, ay kapaki-pakinabang tangi lamang kung isinasagawa mo ang kautusan;+ ngunit kung ikaw ay mananalansang ng kautusan, ang iyong pagtutuli+ ay naging di-pagtutuli.+

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:25

      pagtutuli: Sa Kautusang Mosaiko, kailangang magpatuli ng isang lalaking mananamba ni Jehova. (Lev 12:2, 3; tingnan sa Glosari.) Kahit ang mga dayuhan ay kailangang magpatuli para payagan silang kumain ng hapunan para sa Paskuwa. (Exo 12:43-49) Pero noong 49 C.E., pitong taon bago isulat ni Pablo ang liham niya sa mga taga-Roma, napagpasiyahan ng lupong tagapamahala sa Jerusalem na ang mga di-Judiong tumanggap sa mabuting balita ay hindi na kailangang magpatuli at sumunod sa Kautusang Judio. (Gaw 15:1, 2, 28, 29) Sa sulat ni Pablo sa mga taga-Roma, sinuportahan niya ang desisyong iyon na ginabayan ng espiritu, at sa patnubay rin ng banal na espiritu, nilinaw pa niya ito sa talatang ito at sa sumunod na mga talata. Kahit noong may bisa pa ang tipang Kautusan, hindi sapat ang basta pagpapatuli lang. Kailangan pa ring sumunod sa iba pang bahagi ng Kautusan.​—Lev 18:5; Deu 30:16; Jer 9:25; tingnan ang study note sa Ro 2:29.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share