Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 2:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Ang pagiging tunay na Judio ay nakabatay sa kung ano siya sa loob,+ at ang puso niya+ ay tinuli ayon sa espiritu at hindi sa nasusulat na Kautusan.+ Ang papuri para sa taong iyon ay nanggagaling sa Diyos, hindi sa mga tao.+

  • Roma 2:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Kundi siya ay Judio na gayon sa panloob,+ at ang kaniyang pagtutuli ay yaong sa puso+ sa pamamagitan ng espiritu, at hindi sa pamamagitan ng isang nakasulat na kodigo.+ Ang papuri+ ng isang iyon ay nanggagaling, hindi sa mga tao, kundi sa Diyos.+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:29

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1286

      Ang Bantayan,

      6/15/2003, p. 14

      2/1/1998, p. 16

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 18, 209

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:29

      Judio: Ang terminong Griego na I·ou·daiʹos ay katumbas ng terminong Hebreo na Yehu·dhiʹ, na nangangahulugang “Ni [Kay] Juda” at isinasaling “Judio” sa Hebreong Kasulatan. Pagkatapos ng pagkatapon ng mga Judio, ang “Judio” ay tumutukoy na sa isang miyembro ng bansang Israel. (Tingnan sa Glosari.) Sa Gen 29:35, ang pangalang Juda ay kaugnay ng pandiwang Hebreo na isinaling “pupurihin,” kaya sinasabing ang pangalang ito ay nangangahulugang “Pinuri; Pinatungkulan ng Papuri.” May mga nagsasabing posibleng ginamit ni Pablo ang “Judio” dahil sa kahulugan ng terminong Hebreo para sa “Judio; Juda.” Posibleng gusto niyang ipakita na ang tunay na “Judio” ay tatanggap ng papuri mula sa Diyos kung magkakaroon siya ng tinuling puso at maglilingkod sa Diyos nang may malinis na motibo. (Tingnan ang study note sa ang puso niya ay tinuli sa talatang ito.) Sinasabi ni Pablo na ang pagsang-ayon ng Diyos, na pinakamagandang papuri na puwedeng matanggap ng isa, ay para sa lahat ng uri ng tao, anuman ang lahi nila. Kaya ang isang tunay na Judio, na bahagi ng kongregasyong Kristiyano noong unang siglo, ay isang espirituwal na Judio, miyembro ng “Israel ng Diyos.”​—Gal 6:16.

      ang puso niya ay tinuli: Ang ‘pagtutuli’ ay ginagamit nang makasagisag sa Hebreo at Kristiyanong Griegong Kasulatan. (Tingnan sa Glosari, “Pagtutuli.”) Ang ‘pagtutuli sa puso’ ay kahilingan ng Diyos kahit sa mga Israelita na literal na tinuli. Sa literal na pagkakasalin ng Deu 10:16 at 30:6 (tingnan ang mga tlb.), sinabi ni Moises sa Israel: “Tuliin na ninyo ang inyong mga puso,” at “tutuliin ng Diyos ninyong si Jehova ang puso ninyo at ng inyong mga supling.” Noong panahon ni Jeremias, pinaalalahanan niya ang masuwaying bansa na dapat na ganoon din ang gawin nila. (Jer 4:4) Ang “pagtutuli sa puso” ay “paglilinis” dito mula sa anumang kaisipan, kagustuhan, o motibo na marumi at hindi kalugod-lugod kay Jehova at nagiging dahilan para maging manhid ang puso. Gayundin, ang mga tainga na hindi nakikinig kay Jehova ay tinatawag na “di-tuli.”​—Jer 6:10, tlb.; tingnan ang study note sa Gaw 7:51.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share