-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ang lahat ay nagkakasala: Ganito rin ang punto ni Pablo sa Ro 3:9, 12; 5:12. Ang salitang Griego na isinaling hindi nakaaabot ay puwede ring isaling “kinulang; kinapos.” Nilalang ng Diyos ang mga tao “ayon sa kaniyang larawan”; binigyan niya sila ng kakayahan na maipakita ang personalidad at mga katangian niya. (Gen 1:26, 27) Pero nang sumuway sa utos ng Diyos ang unang mga tao, sina Adan at Eva (Gen 2:15-17; 3:1-6), hindi sila nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos—hindi nila naipakita ang kahanga-hangang mga katangian niya. Dahil lahat ng supling ni Adan ay nagmana ng kasalanan at ng bunga nito na kamatayan, lahat ng tao ay nagkukulang; hindi nila lubos na naipapakita ang kahanga-hangang mga katangian ng Diyos.
-