-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ipinahayag . . . silang matuwid: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pandiwang Griego na di·kai·oʹo at ang kaugnay na mga pangngalang di·kaiʹo·ma at di·kaiʹo·sis, na karaniwang isinasaling “ipagtanggol” o “pagtatanggol,” ay pangunahin nang nangangahulugang napawalang-sala ang isa kaya siya ay ipinahahayag at itinuturing nang matuwid. Halimbawa, isinulat ni apostol Pablo na ang taong namatay ay “napawalang-sala [isang anyo ng di·kai·oʹo] na,” dahil ang kabayaran sa kasalanan ay kamatayan. (Ro 6:7, 23) Pero bukod dito, may iba pang gamit sa Kasulatan ang mga salitang Griegong ito. Ang mga ito ay puwedeng mangahulugan na itinuturing ng Diyos na walang-sala ang di-perpektong mga tao na nananampalataya sa kaniya.—Gaw 13:38, 39; Ro 8:33.
ibinayad na pantubos ni Kristo Jesus na nagpalaya sa kanila: O “pantubos na na kay Kristo Jesus.” Ang salitang Griego na a·po·lyʹtro·sis ay kaugnay ng iba pang mga salita na ginagamit para sa pantubos.—Tingnan ang study note sa Mat 20:28.
-