-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nararapat: O “gaya ng utang.” Ang isang manggagawa ay nararapat tumanggap ng bayad sa pinagtrabahuhan niya. Karapatan niyang makuha iyon, gaya ng utang sa kaniya. Hindi iyon regalo o espesyal na kabaitan.
walang-kapantay na kabaitan: O “di-sana-nararapat na kabaitan; regalo.” Ang isang manggagawa ay nararapat tumanggap ng bayad. Hindi niya ito itinuturing na regalo o espesyal na kabaitan. Pero di-sana-nararapat na kabaitan ang pagpapalaya ng Diyos sa di-perpektong mga tao mula sa hatol na kamatayan at ang pagdedeklara sa kanilang matuwid dahil sa pananampalataya. Hindi ito isang bagay na karapatan nilang makuha dahil sa pagsisikap nila; sa halip, dahil lang ito sa pagkabukas-palad ni Jehova.—Ro 3:23, 24; 5:17; 2Co 6:1; Efe 1:7; tingnan sa Glosari.
-