-
Roma 4:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 At tumanggap siya ng isang tanda,+ samakatuwid nga, ang pagtutuli, bilang tatak ng katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya na tinaglay niya samantalang nasa kaniyang di-tuling kalagayan, upang siya ang maging ama+ ng lahat niyaong may pananampalataya+ samantalang nasa di-pagtutuli, upang maibilang sa kanila ang katuwiran;
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tatak: O “garantiya; patunay.” Dito, ang “tatak” ay ginamit sa makasagisag na paraan bilang indikasyon ng pagmamay-ari. Ang pagtutuli kay Abraham ay nagsilbing “tatak,” o kumpirmasyon, ng pagiging matuwid niya dahil sa pananampalataya, na naipakita na niya kahit noong hindi pa siya tuli.—Ihambing ang study note sa Ju 3:33.
ama siya ng lahat ng may pananampalataya: Sa espirituwal na diwa, si Abraham ang ama ng lahat ng alagad ni Jesu-Kristo, hindi lang ng mga inapo niya na tapat sa Diyos. Idiniin ni Pablo na tapat na si Abraham bago pa ito matuli. (Ro 4:10) Kaya tinatawag siyang “ama” ng mga di-tuling Judio, o Gentil, na nananampalataya kay Jesus. Kaya anuman ang lahi ng mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano sa Roma, puwede nilang tawaging ama si Abraham dahil sa pananampalataya at pagsunod nila.—Tingnan ang study note sa Ro 4:17.
-