Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 4:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 (Gaya nga ng nasusulat: “Inatasan kita bilang ama ng maraming bansa.”)+ Nangyari ito sa harap ng Diyos, na sinampalatayanan niya, na bumubuhay ng mga patay at tumatawag sa mga bagay na wala, na para bang umiiral ang mga iyon.*

  • Roma 4:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 gaya nga ng nasusulat: “Inatasan kita bilang ama ng maraming bansa.”)+ Ito ay sa paningin ng Isa na sinampalatayanan niya, ng Diyos mismo, na bumubuhay ng mga patay+ at tumatawag sa mga bagay na wala na para bang ang mga iyon ay umiiral.+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:17

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 317, 1161-1162

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:17

      Gaya nga ng nasusulat: Tumutukoy sa Gen 17:5, kung saan sinabi ni Jehova kay Abram: “Gagawin kitang ama ng maraming bansa.” Ang pangakong ito ang basehan ni Jehova kaya ang pangalang Abram ay ginawa niyang Abraham, na nangangahulugang “Ama ng Pulutong; Ama ng Marami.” Ganito natupad ang pangako: Ang anak ni Abraham na si Ismael ay nagkaanak ng “12 pinuno ayon sa kanilang mga angkan.” (Gen 25:13-16; 17:20; 21:13, 18) Pinagmulan din ng mga bansa ang anim na anak na lalaki ni Abraham kay Ketura. (Gen 25:1-4; 1Cr 1:28-33; Ro 4:16-18) At nagmula ang mga Israelita at mga Edomita sa anak ni Abraham na si Isaac. (Gen 25:21-26) Gayundin, sa espirituwal na diwa, naging ama si Abraham ng mga tao na iba-iba ang lahi, kasama na ang mga Kristiyano sa kongregasyon sa Roma, na “may pananampalatayang gaya ng kay Abraham.”​—Ro 4:16.

      tumatawag sa mga bagay na wala, na para bang umiiral ang mga iyon: Ganito inilarawan ang Diyos dahil siguradong matutupad ang mga layunin niya. (Isa 55:10, 11) Ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang pangako ng Diyos kay Abram na siya ay “magiging ama ng maraming bansa,” kahit na wala pa silang anak noon ni Sarai. (Gen 17:4-6) Para bang matagal nang umiiral ang mga anak at inapo ni Abraham bago pa man sila ipanganak. Ang pariralang Griego na ito sa dulo ng talata 17 ay puwede ring isaling “nagpapairal sa mga bagay na hindi umiiral.” Idiniriin ng saling iyan ang kakayahang lumalang ng Diyos, na siguradong ginamit niya para si Abraham ay maging “ama ng maraming bansa.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share