-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
baog si: O “patay ang sinapupunan ni.” Ang salitang Griego na neʹkro·sis ay kaugnay ng pandiwang ne·kroʹo, na ginamit sa simula ng pangungusap at isinaling parang patay. Baog si Sara (Sarai), pero makahimalang naibalik ang kakayahan niyang magkaanak kahit napakatanda na niya. (Gen 11:30; 18:11) Sinabi rin ni Pablo na si Abraham ay “para na ring patay.” (Heb 11:11, 12) Kaya sa diwa, parehong naranasan nina Abraham at Sara ang isang bagay na maikukumpara sa pagkabuhay-muli nang maibalik ang kakayahan nilang magkaanak.—Gen 18:9-11; 21:1, 2, 12; Ro 4:20, 21.
-