-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pag-asa: Sa Bibliya, ang salitang Griego na ginamit dito na el·pisʹ ay nangangahulugang “paghihintay sa mabuti.” Sa kontekstong ito, binanggit muna ni Pablo ang pagdurusa, pagtitiis, at pagsang-ayon ng Diyos bago niya binanggit ang pag-asa. Kaya ang tinutukoy niya ay hindi ang pag-asa ng isa nang una nitong malaman ang mabuting balita mula sa Diyos. Sa halip, ang tinutukoy niya ay ang mas matibay na pag-asa ng isang Kristiyano matapos siyang makapagtiis ng pagsubok. Kapag nakakapagtiis ang isang Kristiyano ng pagsubok, nakakatiyak siyang may pagsang-ayon siya ng Diyos. Dahil dito, tumitibay ang pag-asa niya.—Heb 6:11.
-