-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naipagkasundo: Ang pandiwang Griego na ka·tal·lasʹso, na dalawang beses ginamit sa talatang ito at dalawang beses din sa 2Co 5:18, 19, ay pangunahin nang nangangahulugang “magbago; makipagpalitan.” Nang maglaon, nangangahulugan na itong “maging magkaibigan mula sa pagiging magkaaway.” Kapag ginagamit ito para sa kaugnayan ng tao sa Diyos, tumutukoy ito sa pagkakaroon ulit ng magandang kaugnayan sa kaniya. Ginamit ni Pablo ang pandiwang ito para tumukoy sa ‘pakikipagkasundo’ ng isang babae sa asawa niya pagkatapos nilang maghiwalay. (1Co 7:11) Ang kaugnay na pandiwang di·al·lasʹso·mai ay ginamit sa Mat 5:24 para sa utos ni Jesus na ‘makipagkasundo sa kapatid’ bago mag-alay ng handog sa altar. (Tingnan ang study note sa Mat 5:24.) Kailangang makipagkasundo ng mga tao sa Diyos dahil ang unang tao, si Adan, ay naging masuwayin at naipasa niya ang kasalanan at pagiging di-perpekto sa lahat ng inapo niya. Kaya ang mga tao ay napalayo sa Diyos at naging kaaway niya, dahil labag sa pamantayan niya na kunsintihin ang mga pagkakasala.—Ro 5:12; 8:7, 8.
-