-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
isang matuwid na gawa: O “isang gawa ng pagbibigay-katuwiran.” Ang salitang Griego na di·kaiʹo·ma ay puwedeng tumukoy sa paggawa ng isang bagay na nakaaabot sa pamantayan ng kung ano ang tama at makatarungan. Sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa perpektong katapatan ni Jesus sa Diyos sa buong buhay niya, kasama na ang paghahandog niya ng buhay. Si Jesus lang ang tao na perpektong nakaabot sa pamantayan ng Diyos sa pagiging matuwid sa harap ng mga pagsubok. Dahil sa kaniyang “matuwid na gawa,” kinilala siyang matuwid ng Diyos at naging kuwalipikado siya sa atas sa kaniya ng Diyos bilang Hari at Saserdote sa langit. Dahil din diyan, puwedeng maipahayag na matuwid ang mga nananampalataya sa kaniya.—Ro 3:25, 26; 4:25; 5:17-19.
-