-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lumang personalidad: O “dating sarili; dating pagkatao.” Lit., “dating tao.” Ang salitang Griego na anʹthro·pos ay pangunahin nang tumutukoy sa isang “tao,” lalaki man o babae.
ipinako sa tulos na kasama niya: Ginamit sa mga Ebanghelyo ang pandiwang Griego na syn·stau·roʹo para tumukoy sa mga literal na ipinako sa tulos katabi ni Jesus. (Mat 27:44; Mar 15:32; Ju 19:32) Maraming beses na binanggit ni Pablo sa mga liham niya ang pagpapako kay Jesus sa tulos (1Co 1:13, 23; 2:2; 2Co 13:4), pero dito, ginamit niya ang terminong ito sa makasagisag na diwa. Sinasabi niya rito na pinapatay, o pinapalitan, ng mga Kristiyano ang kanilang lumang personalidad sa pamamagitan ng pananampalataya sa pinatay na si Kristo. Ganito rin ang pagkakagamit ni Pablo sa terminong ito sa liham niya sa mga taga-Galacia. Sinabi niya: “Ipinako ako sa tulos kasama ni Kristo.”—Gal 2:20.
-