-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
alipin: Sa Ro 1:1, ginamit ni Pablo ang terminong ito para sa sarili niya, pero dito, ginamit niya ito para tumukoy sa isang tao na nagpapaalipin sa kasalanan na umaakay sa kamatayan o sa katuwiran na umaakay sa kabanalan. Ang paghahalimbawang ginamit ni Pablo para idiin ang punto niya ay pamilyar sa mga Kristiyano sa Roma, na ang ilan ay malamang na mga alipin. Alam nila na obligado ang isang alipin na sundin ang mga utos ng panginoon niya. Ang simple pero pamilyar na ilustrasyon ni Pablo, na katulad ng itinuro ni Jesus sa Sermon sa Bundok, ay tutulong sa kanilang pumili kung sinong panginoon ang paglilingkuran nila.—Mat 6:24; Ro 6:17-20.
-