Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 6:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Gumagamit ako ngayon ng mga salitang maiintindihan ng mga tao dahil sa kahinaan ng inyong laman; iniharap ninyo noon ang inyong katawan bilang alipin ng karumihan at kasamaan para gumawa ng kasamaan, pero ngayon, iharap ninyo ang inyong katawan bilang alipin ng katuwiran para gumawa ng kabanalan.+

  • Roma 6:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 Nagsasalita ako sa pamamaraan ng tao dahil sa kahinaan ng inyong laman:+ sapagkat kung paanong iniharap ninyo ang inyong mga sangkap+ bilang mga alipin ng karumihan+ at katampalasanan tungo sa katampalasanan, ngayon naman ay iharap ninyo ang inyong mga sangkap bilang mga alipin ng katuwiran tungo sa kabanalan.+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:19

      Ang Bantayan,

      12/1/2005, p. 29

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:19

      katawan: Tumutukoy sa mga bahagi ng katawan.​—Tingnan ang study note sa Ro 6:13.

      kasamaan para gumawa ng kasamaan: Ang salitang Griego na a·no·miʹa ay puwedeng tumukoy sa paglabag at kawalang-respeto ng mga tao sa mga batas, na para bang walang umiiral na batas. Sa Bibliya, tumutukoy ito sa paglapastangan sa mga batas ng Diyos. (Tingnan ang study note sa Mat 24:12; Mat 7:23; 2Co 6:14; 2Te 2:3-7; 1Ju 3:4) Sa pariralang ito, dalawang beses na ginamit ang terminong ito. Ang unang paglitaw ay tumutukoy sa tendensiya ng isang tao na gumawa ng masama, at ang ikalawa ay tumutukoy sa resulta nito, isang masamang gawa. Ang anyong pangmaramihan ng pangngalang ito ay isinaling “kasamaan” sa Ro 4:7 at ‘masasamang gawa’ sa Heb 10:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share