Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 8:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 At naiintindihan ng sumusuri sa mga puso+ kung ano ang hinihiling ng espiritu, dahil nakikiusap ito kaayon ng kalooban ng Diyos para sa mga banal.

  • Roma 8:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Gayunma’y siya na sumasaliksik sa mga puso+ ay nakaaalam kung ano ang pakahulugan ng espiritu,+ sapagkat ito ay nakikiusap kaayon ng Diyos para sa mga banal.+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 8:27

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 612

      Ang Bantayan,

      11/15/2009, p. 7

      4/15/2005, p. 18-19

      9/15/1992, p. 16-17

      12/1/1990, p. 30

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8:27

      hinihiling ng espiritu: O “iniisip ng espiritu,” na tumutukoy sa espiritu, o aktibong puwersa, ng Diyos. Dahil ginamit ng Diyos ang espiritu niya para gabayan ang mga manunulat ng Bibliya, alam niya ang ibig sabihin ng mga kaisipan na nasa Kasulatan. Pero bukod diyan, ipinakita ni Pablo na dahil ang Diyos ang sumusuri sa mga puso, alam niya kung anong teksto ang eksaktong lumalarawan sa nararamdaman ng mga lingkod niya sa lupa kapag gulong-gulo ang isip nila at hindi nila alam kung ano ang ipapanalangin. Para bang ang mga ulat na iyon na naisulat sa patnubay ng espiritu ang nakikiusap, o namamagitan, para sa mga banal ng Diyos. (Ro 8:26) Ang paggamit ng terminong Griego para sa “isip” at ng pandiwang isinaling “nakikiusap” ay isa pang halimbawa na sa Kasulatan, inilalarawan ang espiritu ng Diyos na para bang may buhay.​—Tingnan ang study note sa Ju 14:16.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share