Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Dahil sinasabi sa Kasulatan tungkol sa Paraon: “Pinanatili kitang buháy sa dahilang ito: para maipakita ko ang kapangyarihan ko sa pamamagitan mo at para maipahayag ang pangalan ko sa buong lupa.”+

  • Roma 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sapagkat ang Kasulatan ay nagsasabi kay Paraon: “Sa mismong dahilang ito ay pinahintulutan kitang manatili, upang may kaugnayan sa iyo ay maipakita ko ang aking kapangyarihan, at upang maipahayag ang aking pangalan sa buong lupa.”+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 9:17

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 24

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9:17

      sinasabi sa Kasulatan tungkol sa Paraon: Lit., “sinasabi ng Kasulatan sa Paraon.” Sa kasunod na bahagi, sumipi si Pablo mula sa Exo 9:16. Bahagi ito ng mensahe na iniutos ni Jehova kay Moises na sabihin sa Paraon ng Ehipto. (Exo 9:13-19) Pero sa pagkakasabi dito ni Pablo, para bang ang “Kasulatan” ang direktang nakikipag-usap sa Paraon. Ganito rin ang istilong ginamit ni Pablo sa Ro 3:19 (tlb.), kung saan sinabi niya: “Lahat ng bagay na sinasabi ng Kautusan ay para sa mga nasa ilalim ng Kautusan.” Angkop lang ang paggamit ng personipikasyon sa ganitong mga konteksto, dahil ang Hebreong Kasulatan, kasama na ang Kautusan, ay salita ng Diyos—sa diwa, ang Diyos mismo ang nagsasalita. Gumamit din si Jesus ng personipikasyon para sa banal na espiritu ng Diyos. Halimbawa, sinabi niya na ito ay “magtuturo” at “magpapatotoo.”​—Ju 14:26; 15:26.

      Pinanatili kitang buháy: Sa maraming bersiyon, isinalin itong “Itinaas kita,” na para bang ang Diyos mismo ang nagtalaga sa kaniya bilang Paraon. Pero sinipi dito ni Pablo ang Exo 9:16, kung saan malinaw sa konteksto ang ibig sabihin nito. Nang ipaalám ng Diyos ang tungkol sa ikapitong salot, sinabi niya sa Paraon: “Kung tutuosin, puwede kong gamitin ang kapangyarihan ko para padalhan ka . . . ng matinding sakit, at nabura ka na sana sa lupa.” (Exo 9:15) Pero hindi pinatay ng Diyos ang Paraon. Sa halip, sinabi ni Jehova: “Pinanatili kitang buháy [o “Hinayaan kitang manatili”; lit., “Pinanatili kitang nakatayo”].” (Exo 9:16) Kapansin-pansin din na sa Griegong Septuagint, isinalin itong “Pinanatili kang buháy.” Kaya batay sa konteksto ng Hebreong Kasulatan at sa salin ng Septuagint, ang terminong Griego na ito sa Ro 9:17 ay nangangahulugang pinanatiling buháy ng Diyos ang Paraon hanggang sa maipakita Niya ang Kaniyang kapangyarihan.

      para maipahayag ang pangalan ko sa buong lupa: Sinipi dito ni Pablo ang Exo 9:16. Bahagi ito ng ipinasabi ni Jehova kay Moises sa Paraon pagkatapos ng ikaanim na salot. (Exo 9:8-15) Sa Bibliya, ang salitang “pangalan” ay tumutukoy kung minsan sa mismong indibidwal, sa reputasyon niya, at sa lahat ng sinasabi niya tungkol sa kaniyang sarili. (Exo 34:5, 6; tingnan ang study note sa Mat 6:9; Ju 17:6, 26.) Laging idinidiin sa Bibliya ang pagpapabanal at pagbabangong-puri sa pangalan ng Diyos. Halimbawa, nanalangin ang salmista: “Malaman nawa ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” (Aw 83:18) Sa aklat ng Ezekiel, mahigit 50 beses na mababasa ang sinabing ito ni Jehova: “Malalaman [ng mga tao] na ako si Jehova.” (Eze 6:7; 38:23) Tinuruan ni Jesus ang mga alagad niya na ipanalanging pabanalin ang pangalan ng Diyos. (Mat 6:9) Pinasigla ni apostol Pablo ang mga Kristiyano na ihayag sa mga tao ang pangalan ng Diyos (Heb 13:15), at mababasa sa Apo 15:4: “O Jehova, sino ang hindi matatakot sa iyo at luluwalhati sa pangalan mo?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share