-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
magpapalayok: Gumagawa ng luwad na lutuan, pinggan, at iba pang sisidlan. Ang terminong Griego na ke·ra·meusʹ ay mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “maghalo,” na posibleng tumutukoy sa paghahalo ng tubig sa lupa o luwad bago ito gamitin. Ang salitang Hebreo para sa magpapalayok (yoh·tserʹ) ay literal na nangangahulugang “tagahulma.” Sa Hebreong Kasulatan, maraming beses na ginamit ang awtoridad, o karapatan, ng magpapalayok sa luwad para ilarawan ang karapatan ng Diyos na mamahala sa lahat ng indibidwal at bansa.—Isa 29:16; 45:9; 64:8; Jer 18:1-12.
-