Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 9:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Kaya ano ang problema kung pinagtitiisan ng Diyos ang mga sisidlan ng poot na karapat-dapat wasakin, kahit na kalooban niyang ipakita ang kaniyang poot at kapangyarihan?

  • Roma 9:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Ngayon, kung ang Diyos, bagaman niloloob na ipakita ang kaniyang poot at ihayag ang kaniyang kapangyarihan, ay nagparaya taglay ang labis na mahabang pagtitiis sa mga sisidlan ng poot na ginawang karapat-dapat sa pagkapuksa,+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 9:22

      Ang Bantayan,

      6/15/2013, p. 25

      11/1/1991, p. 9

      1/1/1990, p. 19

      Sambahin ang Diyos, p. 63-65

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9:22

      sisidlan: Ipinagpatuloy dito ni Pablo ang ilustrasyon niya tungkol sa magpapalayok. (Tingnan ang study note sa Ro 9:21.) Ang salitang Griego na skeuʹos ay literal na tumutukoy sa anumang klase ng sisidlan. Pero sa Kasulatan, madalas itong gamitin para tumukoy sa mga tao. (Gaw 9:15, tlb.; 2Ti 2:20, tlb.) Halimbawa, ang mga Kristiyano ay inihalintulad sa mga sisidlang luwad na pinagkatiwalaan ng isang mahalagang kayamanan, ang ministeryo. (2Co 4:1, 7) Sa konteksto ng Ro 9:21-23, makikita na hindi pa pinupuksa ng Diyos ang masasamang tao, o ang mga sisidlan ng poot, para maligtas ang mga wastong nakaayon. Magbibigay ito sa kanila ng sapat na panahon para mahubog ng Diyos at maging “mga sisidlan ng awa.”​—Ro 9:23.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share