-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
inihayag din ni Isaias tungkol sa Israel: Dito at sa sumunod na talata, sumipi si Pablo mula sa Isa 10:22, 23. Mababasa sa mga talatang ito ang hulang natupad noong 607 B.C.E., kung kailan ginamit ni Jehova ang Imperyo ng Babilonya para ilapat ang hatol niya sa Israel. Sinakop nila ang buong lupain, kasama na ang Jerusalem. Ang mga Judio ay naging bihag sa Babilonya nang 70 taon. Pagkatapos nito, “isang maliit na grupo lang” ang bumalik sa Jerusalem para ibalik ang tunay na pagsamba. Sa liham na ito ni Pablo sa mga taga-Roma, ipinakita niya na nagkaroon pa ng katuparan ang hulang ito noong unang siglo C.E. Nang panahong iyon, isang “maliit na grupo” lang ng mga Judio ang naging tagasunod ni Jesus at nanumbalik kay Jehova sa espirituwal. (Ro 11:4, 5) Nang maglaon, may sumama sa kanilang mga mánanampalatayáng Gentil, at nabuo ang isang espirituwal na bansa, ang “Israel ng Diyos.”—Gal 6:16.
-