Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 9:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Inihula pa ni Isaias: “Kung hindi nagligtas ng supling* natin si Jehova* ng mga hukbo, naging gaya na tayo ng Sodoma at naging katulad ng Gomorra.”+

  • Roma 9:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Gayundin, gaya nga ng sinabi ni Isaias noong una: “Malibang si Jehova ng mga hukbo+ ang nag-iwan sa atin ng isang binhi, naging gaya na sana tayo ng Sodoma, at ginawa na sana tayong katulad ng Gomorra.”+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 9:29

      Sagot sa mga Tanong sa Bibliya, artikulo 125

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 449

      Hula ni Isaias I, p. 21

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 9:29

      supling: Tingnan ang study note sa Ro 9:7.

      Jehova: Sa pagsiping ito sa Isa 1:9, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo.​—Tingnan ang Ap. C.

      Jehova ng mga hukbo: Ang ekspresyong ito ay mula sa Hebreong Kasulatan, kung saan ginamit ito at ang kahawig nitong mga ekspresyon nang 283 beses, at ang unang paglitaw nito ay sa 1Sa 1:3. Kombinasyon ito ng Tetragrammaton at ng salitang Hebreo para sa “mga hukbo,” tseva·ʼohthʹ. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dalawang beses lumitaw ang Griegong katumbas ng ekspresyong ito, dito at sa San 5:4. Sina Pablo at Santiago ay parehong sumipi o bumanggit ng mga hula mula sa Hebreong Kasulatan. Sa mga talatang iyon, ginamit ang Sa·ba·othʹ, transliterasyon sa Griego ng salitang Hebreo na tseva·ʼohthʹ, “mga hukbo.” Sa mga manuskritong Griego, ang literal na mababasa ay “Panginoong Sabaoth” (sa Griego, Kyʹri·os Sa·ba·othʹ), pero sinasabi ng isang diksyunaryo na ang Sa·ba·othʹ ay “isang katawagan para sa Diyos . . . =יהוה צְבָאוֹת [YHWH tseva·ʼohthʹ] Yahweh Panginoon ng mga Hukbo, Panginoon ng mga Laksa-laksa.” (A Greek-English Lexicon of the New Testament and Other Early Christian Literature, Ikatlong Edisyon) Mababasa sa Ap. C1 ang iba pang dahilan kung bakit ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang pangalang Jehova sa mismong teksto.

      mga hukbo: O “makalangit na mga hukbo.” Ang terminong Griego na Sa·ba·othʹ ay isang transliterasyon ng salitang Hebreo na tseva·ʼohthʹ, ang anyong pangmaramihan ng tsa·vaʼʹ, na pangunahin nang tumutukoy sa literal na hukbo. (Gen 21:22; Deu 20:9; tingnan ang study note sa Jehova ng mga hukbo sa talatang ito.) Lumilitaw na ang “mga hukbo” dito ay pangunahin nang tumutukoy sa mga anghel. Kaya ang ekspresyong “Jehova ng mga hukbo” ay nagdiriin sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Tagapamahala ng uniberso, na may awtoridad sa napakalaking hukbo ng mga espiritung nilalang. (Aw 103:20, 21; 148:1, 2; Isa 1:24; Jer 32:17, 18) Pero may nagsasabi rin na ang “mga hukbo” sa ekspresyong “Jehova ng mga hukbo” ay hindi lang tumutukoy sa mga anghel, kundi pati sa mga sundalong Israelita at walang-buhay na mga nilalang sa langit, gaya ng bituin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share