Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 10:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Dahil kung hayagan mong sinasabi sa pamamagitan ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon,+ at nananampalataya ka sa puso mo na binuhay siyang muli ng Diyos, ikaw ay maliligtas.

  • Roma 10:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sapagkat kung hayagan mong sinasabi yaong ‘salita sa iyong sariling bibig,’+ na si Jesus ay Panginoon,+ at nananampalataya ka sa iyong puso na ibinangon siya ng Diyos mula sa mga patay,+ ikaw ay maliligtas.+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:9

      Ang Bantayan,

      12/15/1997, p. 19

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:9

      hayagan mong sinasabi: Ang salitang Griego na ho·mo·lo·geʹo ay isinaling “inaamin” sa ilang Bibliya. Sa maraming diksyunaryo, ang salitang ito ay nangangahulugang “ihayag (kilalanin nang hayagan).” Sa talata 10, ang pandiwang ito ay isinalin namang “ipinahahayag.” Sinasabi dito ni Pablo na hindi sapat na basta manampalataya ang mga Kristiyano; dapat nila itong ihayag para maligtas sila. (Aw 40:9, 10; 96:2, 3, 10; 150:6; Ro 15:9) Hindi lang nila isang beses gagawin ang ganitong paghahayag sa publiko, gaya ng sa panahon ng bautismo, kundi patuloy nila itong gagawin kapag nagtitipon silang kasama ng mga kapananampalataya nila at kapag naghahayag sila ng mabuting balita ng kaligtasan sa mga di-sumasampalataya.​—Heb 10:23-25; 13:15.

      si Jesus ay Panginoon: Noong nasa lupa si Jesus, tinatawag siyang “Panginoon” bilang paggalang, kahit ng mga hindi niya tagasunod. Tanda rin ng paggalang ang pagtawag sa kaniya ng Samaritana na “Ginoo.” Malawak ang kahulugan ng salitang Griego (Kyʹri·os) na ginamit ng mga manunulat ng Bibliya, at puwede itong isaling “Ginoo” o “Panginoon” depende sa konteksto. (Mat 8:2; Ju 4:11) Pero ipinahiwatig ni Jesus na kapag tinatawag siyang Panginoon ng mga alagad (estudyante) niya, tinatanggap nilang sila ay mga alipin niya. (Ju 13:13, 16) Nang mamatay si Jesus, buhaying muli, at iluklok sa mas mataas na posisyon sa langit, naging mas malalim pa ang kahulugan ng titulo niyang Panginoon. Dahil sa isinakripisyo niyang buhay, nabili ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod kaya siya na ang kanilang May-ari (1Co 7:23; 2Pe 2:1; Jud 4; Apo 5:9, 10) at Hari (Col 1:13; 1Ti 6:14-16; Apo 19:16). Kung tinatanggap ng isang tao si Jesus bilang Panginoon, hindi sapat na tawagin lang siya sa titulong iyan. Dapat kilalanin ng mga tunay na Kristiyano ang posisyon niya at sundin siya.​—Mat 7:21; Fil 2:9-11.

      Panginoon: Ang salitang Griego na ginamit dito, Kyʹri·os (Panginoon), ay karaniwan nang ginagamit sa Kasulatan bilang pangngalan. Pero isa talaga itong pang-uri na tumutukoy sa pagkakaroon ng kapangyarihan (kyʹros) o awtoridad. Makikita ang salitang ito sa bawat aklat sa Kristiyanong Griegong Kasulatan maliban sa liham ni Pablo kay Tito at sa mga liham ni Juan. Bilang Anak at Lingkod na nilalang ng Diyos, tama lang na tawagin ni Jesu-Kristo na “Panginoon” (Kyʹri·os) ang kaniyang Ama at Diyos (Ju 20:17), ang kaniyang Ulo, na may mas malaking awtoridad at kapangyarihan kaysa sa kaniya. (Mat 11:25; 1Co 11:3) Pero sa Bibliya, ang titulong “Panginoon” ay hindi lang tumutukoy sa Diyos na Jehova. Ginagamit din ito para kay Jesu-Kristo (Mat 7:21; Ro 1:4, 7), sa isa sa matatanda sa langit na nakita ni Juan sa pangitain (Apo 7:13, 14), sa mga anghel (Dan 12:8), sa mga tao (Gaw 16:16, 19, 30; isinalin ditong “amo” o “ginoo”), at sa huwad na mga diyos (1Co 8:5). Sinasabi ng ilan na ang pariralang “si Jesus ay Panginoon” ay nangangahulugang iisa lang sila ng kaniyang Ama na si Jehova. Pero malinaw sa konteksto na hindi iyan totoo, dahil “binuhay siyang [Jesus] muli ng Diyos.” Ang awtoridad ni Jesus bilang Panginoon ay galing sa kaniyang Ama.​—Mat 28:18; Ju 3:35; 5:19, 30.​—Tingnan ang study note sa si Jesus ay Panginoon sa talatang ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share