-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Jehova: Sumipi dito si Pablo mula sa 1Ha 19:10, 14, kung saan nakikipag-usap si propeta Elias sa Diyos na Jehova. Sa orihinal na tekstong Hebreo, ang pangalan ng Diyos ay kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH). Pero sa pagsipi ni Pablo, pinaikli niya ito at iniba ang pagkakasunod-sunod ng ilang pangungusap. Idinagdag din niya ang pangalan ng Diyos sa simula ng pagsipi para ipakitang ang Diyos ang kausap dito ng propeta. Sa natitirang mga manuskritong Griego sa ngayon, ang mababasa ay isang anyo ng salitang Kyʹri·os (Panginoon), pero “Jehova” ang ginamit ng saling ito dahil makikita sa konteksto ng sinipi ni Pablo at sa iba pang konteksto na laging ginagamit ni Elias ang personal na pangalan ng Diyos na Jehova sa pakikipag-usap sa kaniya. (1Ha 17:20, 21; 18:36, 37; 19:4) Dahil diyan, makatuwirang isipin na ang Kyʹri·os ay ipinampalit lang sa pangalan ng Diyos. Gayundin, maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan ang gumamit dito ng pangalan ng Diyos.
gusto nila akong patayin: O “gusto nilang kunin ang buhay ko.” Dito, ang salitang Griego na psy·kheʹ ay tumutukoy sa buhay ng isang tao. Ang ekspresyong ito ay makikita sa Hebreong Kasulatan, gaya sa 1Ha 19:10, 14, na sinipi ni Pablo.—Exo 4:19; 1Sa 20:1; tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”
-