-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Diyos: Sa talatang ito, sumipi si Pablo mula sa Deu 29:4 at Isa 29:10. Hindi “Diyos” ang ginamit sa tekstong Hebreo ng mga talatang ito, pero posibleng sumipi si Pablo mula sa Septuagint, kung saan ang mababasa sa Deu 29:4 (29:3, LXX) ayon sa karamihan ng mga manuskrito ay “Hindi kayo binigyan ng Panginoong Diyos . . . ” Ayon sa mga dahilan na nasa Ap. C1, malamang na ganito ang mababasa sa mga kopya ng Septuagint noong panahon ni Pablo: “Hindi kayo binigyan ng Diyos na Jehova . . . ” Sa katunayan, may patunay na sa isang piraso ng koleksiyon ng papiro na tinatawag na Fouad Inv. 266, ginamit sa Deu 29:4 ang Tetragrammaton sa tekstong Griego, na sinusundan ng terminong Griego para sa “Diyos.” Kaya posibleng pinaikli ni Pablo ang pagsipi niya mula sa Septuagint at “Diyos” lang ang ginamit niya. Iyan ang mababasa sa Ro 11:8 sa mga natitirang manuskritong Griego. (Ihambing ang pinaikli ring pagsipi sa Gaw 7:37; tingnan ang study note.) Sa tekstong Hebreo ng Deu 29:4 at Isa 29:10, mababasa ang pangalan ng Diyos, kaya ginamit ang Tetragrammaton sa ilang Hebreong salin ng Ro 11:8 (may code na J7, 8, 10, 14, 15, 20 sa Ap. C4).
-