-
Roma 11:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Sinabi rin ni David: “Ang kanilang mesa nawa ay maging isang silo, bitag, katitisuran, at kaparusahan para sa kanila.
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mesa: Posibleng tumutukoy sa isang handaan o sa isang mesa para sa mga hain. Sumipi dito si Pablo mula sa Aw 69:22, kung saan ang “mesa” ay iniuugnay sa “kasaganaan” at lumilitaw na tumutukoy sa pagpapala. Ipinatungkol ni Pablo ang awit na ito sa mga Judio, na karamihan ay nagtakwil kay Jesus at nawalan ng pananampalataya. Ang isang dahilan kung bakit nangyari ito ay ipinipilit nilang sapat na ang pagiging inapo nila ni Abraham para patuloy silang tumanggap ng pagpapala mula sa Diyos. (Mat 3:9; Ju 8:39) Dahil sa maling kaisipang iyan, tatanggap sila ng “kaparusahan.”
-