-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sanlibutan: Sa kontekstong ito, ginamit ni Pablo ang salitang Griego na koʹsmos para sa mga tao ng ibang mga bansa, ang mga di-Judio, o Gentil. Dito, ginamit ang “sanlibutan” para tumukoy sa mga taong hindi miyembro ng bayang Israel, na may pakikipagtipan sa Diyos. Madalas ding gamitin ng mga Kristiyanong manunulat ng Bibliya ang salitang koʹsmos para tumukoy sa lahat ng tao na hindi tunay na tagasunod ni Kristo. Sa Kasulatan lang ginagamit sa ganitong paraan ang terminong Griego para sa “sanlibutan.”—Tingnan ang study note sa Ju 15:19.
-