Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 11:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ngayon ay nagsasalita ako sa inyo na mga tao ng ibang mga bansa. Ako ay isang apostol para sa ibang mga bansa,+ kaya niluluwalhati* ko ang aking ministeryo+

  • Roma 11:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ngayon ay nagsasalita ako sa inyo na mga tao ng mga bansa. Yamang ako, sa katunayan, ay isang apostol+ sa mga bansa,+ niluluwalhati+ ko ang aking ministeryo,+

  • Roma
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 11:13

      Ang Bantayan,

      11/15/2003, p. 9

      9/15/1993, p. 5-6

  • Mga Study Note sa Roma—Kabanata 11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 11:13

      isang apostol para sa ibang mga bansa: Ibig sabihin, para sa mga di-Judio, o Gentil. Nang maging Kristiyano si Pablo, posibleng noong mga 34 C.E., sinabi ng binuhay-muling si Jesus: “Ang taong ito ay pinili ko para dalhin ang pangalan ko sa mga bansa, gayundin sa mga hari at sa mga Israelita.” (Gaw 9:15) Kaya si Pablo ay pinili ng Panginoong Jesu-Kristo para maging “isang apostol [ibig sabihin, “isinugo”] para sa ibang mga bansa.” (Gaw 26:14-18; Ro 1:5; Gal 1:15, 16; 1Ti 2:7) Kahit matibay ang mga patunay ng pagkaapostol ni Pablo at malinaw ito sa kaniya, walang mababasa sa Bibliya na pumalit siya sa isa sa “12 apostol,” at hindi niya kailanman tinukoy ang sarili niya na isa sa kanila.​—1Co 15:5-8; ihambing ang study note sa Gaw 1:23.

      niluluwalhati: O “dinadakila.” Ang pandiwang Griego na do·xaʹzo (luwalhatiin; dakilain), na kaugnay ng salitang doʹxa (kaluwalhatian; karangalan), ay madalas na iniuugnay sa pagluwalhati sa Diyos. (Mat 5:16; 9:8; Mar 2:12; Luc 2:20; 5:25, 26; Gaw 4:21; 11:18; Ro 15:6, 9) Sa kontekstong ito, ang pandiwa ay puwede ring mangahulugang “ipagmalaki; seryosohin; sulitin.” Napakahalaga kay Pablo ng “ministeryo” niya; itinuturing niya itong napakalaking karangalan.

      aking ministeryo: Noong nasa lupa si Jesus, inatasan niya ang mga tagasunod niya na gumawa ng mga alagad mula sa mga tao ng lahat ng bansa. (Mat 28:19, 20) Tinawag ni Pablo ang gawaing ito na “ministeryo ng pakikipagkasundo.” Sinasabi ni Pablo sa mga taong malayo sa Diyos: “Nakikiusap kami: ‘Makipagkasundo kayo sa Diyos.’” (2Co 5:18-20) Ginawa ni Pablo ang lahat para makapangaral sa mga tao ng ibang mga bansa, pero gustong-gusto niya ring mapakilos ang ilang Judio para maligtas din sila. (Ro 11:14) Ang pangunahing kahulugan ng salitang Griego na di·a·ko·niʹa ay “paglilingkod,” at ang kaugnay na pandiwa nito ay ginagamit kung minsan sa Bibliya para tumukoy sa pagsisilbi sa iba, gaya ng paghahain ng pagkain. (Luc 4:39; 17:8; Ju 2:5) Dito, tumutukoy ito sa ministeryong Kristiyano. Mas mataas na anyo ito ng paglilingkod dahil sinasapatan nito ang espirituwal na pangangailangan ng iba.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share