-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Maging mapagpatuloy: Ang ekspresyong Griego para sa “maging mapagpatuloy” ay puwedeng literal na isaling “magmadali sa pagpapakita ng pagkamapagpatuloy; tumakbo para makapagpakita ng pagkamapagpatuloy.” Ginamit dito ni Pablo ang ekspresyong ito para pasiglahin ang mga Kristiyano na laging maging mapagpatuloy, hindi lang kapag kailangan. Ang salitang Griego para sa “pagkamapagpatuloy,” phi·lo·xe·niʹa, ay literal na nangangahulugang “pag-ibig (pagkagiliw) sa mga estranghero.” Ipinapakita nito na dapat tayong maging mapagpatuloy hindi lang sa malalapít na kaibigan. Ginamit din ni Pablo ang terminong ito sa Heb 13:2, at lumilitaw na ang tinutukoy niya rito ay ang ulat ng Genesis kabanata 18 at 19 tungkol kina Abraham at Lot. Nang magpatulóy sila ng mga estranghero, hindi nila alam na mga anghel pala ang inasikaso nila. Sa Gen 18:1-8, inilarawan si Abraham na tumatakbo at nagmamadali para asikasuhin ang mga bisita niya. Ang kaugnay na pang-uri na phi·loʹxe·nos ay tatlong beses na lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan sa ibang konteksto kung saan ipinapayo ang pagiging mapagpatuloy.—1Ti 3:2; Tit 1:8; 1Pe 4:9.
-