-
Roma 13:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Kaya ang sinumang kumakalaban sa awtoridad ay kumakalaban sa kaayusan ng Diyos; ang mga kumakalaban dito ay magdadala ng hatol sa sarili nila.
-
-
Mga Study Note sa Roma—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kaayusan ng Diyos: Ang pamamahala ng “nakatataas na mga awtoridad” ay bahagi ng pansamantalang kaayusan na pinapahintulutan ng Diyos. (Ro 13:1) Ang ekspresyong Griego na ginamit dito ay nagpapahiwatig ng isang bagay na ipinag-utos o inilagay ng Diyos. Ang sekular na mga awtoridad ay pansamantalang ginagamit ng Diyos para mapanatili ang kaayusan sa lipunan ng tao. At nagkakaroon lang ng awtoridad ang mga tao dahil pinapahintulutan ito ng Diyos. (Ju 19:11) Kaya may ginagampanang papel sa layunin ng Diyos ang nakatataas na mga awtoridad, pero relatibo lang ang posisyon nila. Nang isulat ni Pablo ang liham na ito, ang nakatataas na mga awtoridad na namamahala sa mga Kristiyano ay pangunahin nang ang gobyerno ng Roma sa ilalim ni Emperador Nero, na namahala mula 54 hanggang 68 C.E. Maliwanag kay Pablo na nakahihigit ang paraan ng pamamahala ng Diyos at ito talaga ang kailangan ng tao. (Gaw 28:31; 1Co 15:24) Sinasabi lang niya na hangga’t pinapahintulutan ni Jehova ang pamamahala ng tao, dapat itong igalang at tanggapin ng mga Kristiyano bilang “kaayusan ng Diyos.”
-